MAYNILA—Nagkaproblema ang marami sa mga automated teller machines (ATM) ng BDO Unibank nitong Sabado.
Sa isang pahayag, sinabi ng bangko na ito'y nakararanas ng service interruption at humingi ng tawad sa mga customer.
"We are experiencing a service interruption that is affecting our ATM, Mobile Banking, and Online Banking services. We apologize for this inconvenience and seek your patience while we work to restore these services," sabi ng BDO Unibank.
Sa Maynila, ang mga ATM ng bangko ay hindi nagagamit.
Bagamat walang nakapaskil na system under maintenance, kapag sinubukang gamitin ang sebrisyo tulad ng balance inquiry at withdrawal ay sasabihin ng machine na pinoproseso nito ang transaksyon.
Ngunit matapos ang isa hanggang tatlong minuto ay hindi pa tapos ang transaksyon at ilalabas nito ang card at nakalagay na transaction complete kahit nakita ang balance o walang lumabas na pera.
Hindi rin magamit ang online at mobile banking kaya ang mga customer ay hindi matiyak kung nabawasan ang kanilang pera.
Ngunit maaari namang makapag-withdraw gamit ang BDO card sa pamamagitan ng ATM ng ibang bangko.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, BDO Unibank, ATM, BDO, Banco de Oro, banking, online banking, mobile banking