Presyo ng gasolina tataas sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Oct 05 2020 10:41 AM | Updated as of Oct 05 2020 03:18 PM

(UPDATE) Nag-abiso ang ilang oil firm na tataasan nila simula Martes, Oktubre 6, ang presyo ng gasolina.

Ayon sa Shell, Petro Gazz, Cleanfuel, Seaoil, Flying V, Phoenix Petroleum, Unioil, Caltex, at Petron, nasa P0.10 ang taas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina. 

Wala namang magiging galaw sa presyo ng diesel.

Magpapatupad din ang Shell, Petron, Caltex, Flying V, at Seaoil ng P0.20 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.