Panibagong rollback sa presyo ng petrolyo ipinatupad na ng ilang gasolinahan

ABS-CBN News

Posted at Oct 05 2019 04:54 PM

MAYNILA — Magkakaroon ng panibagong rollback sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, pero ang ilang gasolinahan ay nagtapyas na ng presyo mula Sabado ng umaga.

Kaninang alas-6 ng umaga ay epektibo na ang rollback sa Phoenix Petroleum.

ROLLBACK NG PHOENIX

  • Diesel → P1.00/litro
  • Gasolina → P0.80/litro

Pareho rin ang magiging rollback ng Clean Fuel pero Linggo ng hapon pa ito ipatutupad.

ROLLBACK NG CLEAN FUEL

  • Diesel → P1.00/litro
  • Gasolina → P0.80/litro

Sa taya ng mga taga-industriya, nasa P0.80 hanggang P0.90 kada litro ang ibinaba sa presyo ng imported na gasolina habang P0.90 hanggang P1 naman sa diesel.

Wala pang anunsiyo ang ibang kompanya kung magkano ang bawas-presyo nila sa mga produktong petrolyo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.