ALAMIN: Tamang paraan ng pagtitipid | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Tamang paraan ng pagtitipid
ALAMIN: Tamang paraan ng pagtitipid
ABS-CBN News
Published Oct 04, 2018 04:47 PM PHT

Kasabay ng sabay-sabay na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, kanya-kanyang diskarte naman ang mga Pinoy para mapagkasya ang kanilang mga suweldo.

Ayon sa isang life coach, hindi naman masama ang magtipid pero nagiging mali ang paraan nito kapag mas pinaglalaanan ng pera ang mga luho sa halip na mga pangunahing pangangailangan.

"Ang nangyayari, nasa-sacrifice iyong mga ibang bagay. For example, may luho ka, ayaw mo bitawan, kaya mo titipirin iyong ibang bagay," sabi sa programang Sakto ng radyo DZMM ni Randell Tiongson, direktor ng Registered Financial Planners Philippines.

"Ang pagtitipid, dapat tatanggalin mo doon sa mga luho. 'Yong mga basic required necessities, huwag mo i-cut doon," paliwanag niya.

Inihalimbawa ni Tiongson ang pagtitipid sa pagkain.

Puwede raw makatipid ang isang tao sa pagkain kung iiwasan na lang niyang kumain sa labas, gaya sa mga fast food na restoran.

Para naman sa mga pumapasok sa mga paaralan o opisina, mas mainam ding magbaon na lang sa halip na bumili ng pagkain sa labas.

"Kapag kumain ka sa labas, usually twice or three to four times more expensive," ani Tiongson.

Hindi rin daw dapat isantabi ng mga tao ang kalidad ng pagkaing kanilang binibili para makatipid.
Hindi rin daw dapat isantabi ng mga tao ang kalidad ng pagkaing kanilang binibili para makatipid.
ADVERTISEMENT
"Instant world, hindi nila alam na ang taas ng sodium noon, baka magkasakit ka," ani Tiongson.

Pero hindi rin naman daw tamang tuluyang mag-alis ng luho.

Dapat daw ay may balanse sa pagtitipid at paggastos sa luho. Mainam na isaalang-alang daw dito kung swak ang sinusuweldo sa lifestyle o uri ng pamumuhay.

"Puwede rin siguro, kunyari nakaplano kayo ng magarbong bakasyon, puwedeng i-reduce mo muna 'yon," ani Tiongson.

"Kunyari instead na out of the country, out of town na lang, instead of four days, two nights na lang."
"Kunyari instead na out of the country, out of town na lang, instead of four days, two nights na lang."
ADVERTISEMENT
Dagdag ni Tiongson, mas madaling makatitipid kung magba-budget.

"Kung naka-budget nang maayos 'yan, naka-itemize 'yan, mas madali 'yang tutukan," aniya.