PatrolPH

Rollback sa presyo ng petrolyo kasado na sa Oktubre 4

ABS-CBN News

Posted at Oct 03 2022 12:21 PM | Updated as of Oct 03 2022 07:52 PM

Watch more News on iWantTFC

(UPDATE) Sa harap ng pagpapatupad ng dagdag-pasahe sa mga pampublikong sasakyan, kasado naman sa Martes, Oktubre 4, ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Ito ang ika-5 sunod na linggong magkakaroon ng bawas-presyo sa langis.

Base sa abiso ng mga kompanya ng langis, narito ang halaga ng ipatutupad nilang rollback:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINE -P0.40/L
DIESEL -P0.45/L
KEROSENE -P0.85/L

Cleanfuel (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINE -P0.40/L
DIESEL -P0.45/L

Shell, Seaoil (Alas-6 ng umaga)
GASOLINE -P0.40/L
DIESEL -P0.45/L
KEROSENE -P0.85/L

Petro Gazz, PTT Philippines, Jetti Petroleum, Unioil (Alas-6 ng umaga)
GASOLINE -P0.40/L
DIESEL -P0.45/L

Mas mababa sa unang pagtaya ng mga taga-industriya ang ipatutupad na rollback dahil umano sa mahal na freight at premium.

Kung magdesisyon ang Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) Plus ngayong linggo na muling tapyasan ang produksiyon ng langis nang 1 miylong barrel, posibleng tumaas na ulit ang presyo ng petrolyo sa susunod na linggo sa Pilipinas.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.