Presyo ng gasolina, kerosene may taas-presyo ulit sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Oct 03 2020 06:54 PM

MAYNILA - Magkakaroon ng dagdag-presyo sa gasolina at kerosene sa susunod na linggo, habang posibleng may bawas-presyo sa diesel ayon sa mga taga-industriya.

Tinatayang galaw sa presyo ng petrolyo:

  •  Gasolina → P0.05 - P0.15/litro
  •  Kerosene → P0.15 - P0.20/litro 
  •  Diesel → walang paggalaw hanggang P0.05 kada litro

Batay sa tantiya ng mga taga-industriya, maglalaro sa P0.05 hanggang P0.15 kada litro ang dagdag-presyo sa gasolina. 

Ang kerosene naman, may dagdag-presyo na P0.15 hanggang P0.20 kada litro. 

Samantala, wala namang paggalaw o pagbawas na hanggang P0.05 kada litro ang inaasahan sa presyo ng diesel sa susunod na linggo. 

Ito ang ika-3 sunod na linggong may dagdag-presyo sa gasolina at kerosene. 

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.