PatrolPH

ALAMIN: 'Dagdag-bawas' sa presyo ng petrolyo simula Oktubre 3

ABS-CBN News

Posted at Oct 02 2023 01:43 PM | Updated as of Oct 02 2023 07:32 PM

Gasolinahan sa Mandaluyong City noong Marso 22, 2022. ABS-CBN News/File
Gasolinahan sa Mandaluyong City noong Marso 22, 2022. ABS-CBN News/File

Magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng diesel, at bawas sa presyo ng gasolina at kerosene simula Martes, Oktubre 3.

Ayon sa abiso ng mga kompanya ng langis, narito ang halaga ng ipatutupad nilang price adjustment:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi) 
GASOLINA -P2/L
DIESEL +P0.40/L
KEROSENE -P0.50/L

Cleanfuel (Alas-12:01 ng hatinggabi) 
GASOLINA -P2/L
DIESEL +P0.40/L

Shell, Seaoil (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P2/L
DIESEL +P0.40/L
KEROSENE -P0.50/L

Petro Gazz, PTT Philippines, Jetti Petroleum, Phoenix Petroleum (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P2/L
DIESEL +P0.40/L

Watch more News on iWantTFC

Ayon kay Rodela Romero, assistant director sa Department of Energy, lumutang ulit ang takot sa global recession kaya bumaba ang presyo ng gasolina.

Pero wala pa rin aniyang kasiguruhan ang magiging takbo ng presyo ng imported na langis sa mga susunod na linggo.

Samantala, sa ikatlong sumunod na buwan, tumaas ulit ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) dahil sa pagsipa ng contract price sa world market.

Karamiha'y nasa higit P900 kada regular na tangke ang retail price ng LPG pero may ilang brands ang nasa higit P1,000 na ang 11-kilogram cylinder.

Umaabot na sa halos P15 kada kilo o lagpas P160 kada tangke ang kabuuang dagdag-presyo sa LPG simula Agosto.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.