Presyo ng mga produktong petrolyo muling tataas sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2018 09:54 AM | Updated as of Oct 01 2018 07:21 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa ikawalong sunod na linggo, nag-anunsiyo ang ilang kompanya ng langis na magkakaroon ng dagdag sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo. 

Magiging epektibo ang mga dagdag-singil simula alas-6 ng umaga ng Martes, Oktubre 2, 2018.

Nasa P1 ang dagdag sa kada litro ng gasolina, P1.10 sa kada litro ng kerosene, at P1.35 sa kada litro ng diesel ang ipatutupad ng Shell, Flying V, SEAOIL, at Caltex. 

Maliban sa kerosene, parehong presyo rin ang ipatutupad ng PTT Philippines, Petro Gazz, TOTAL, Phoenix Petroleum, Unioil Petroleum, Jetti Pump, at Eastern Petroleum sa kanilang diesel at gasolina.

Bukod sa petrolyo, tumaas din nitong Lunes ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ng P2.35 kada kilo o P25.85 kada regular na tangke.

Ayon kay Rino Abad, direktor ng Oil Industry Management Bureau, may namumurong kakulangan sa suplay ng langis sa buong mundo kaya patuloy ang pagmahal ng inangkat na fuel, na hindi naman makontrol ng gobyerno.

"Ang ating produktong petrolyo ay 100 percent ini-import po natin. Hindi siya mako-kontrol," ani Abad.--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.