Presyo ng LPG tataas pagpasok ng Oktubre

ABS-CBN News

Posted at Sep 30 2020 07:18 PM

Nag-anunsiyo ang mga kompanyang nagbebenta ng liquefied petroleum gas (LPG) na tataas ang presyo ng kanilang mga produkto simula Huwebes, Oktubre 1.

Ayon sa Petron, simula hatinggabi ng Huwebes, tataas nang P1 ang presyo ng kada kilo ng kanilang LPG habang P0.56 naman ang taas sa presyo ng kada litro ng auto-LPG.

Nasa P0.89 naman ang taas-presyong ipatutupad ng Solane sa kada kilo ng kanilang LPG.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.