ALAMIN: Bawas-presyo sa petrolyo pagpasok ng Oktubre

ABS-CBN News

Posted at Sep 30 2019 12:27 PM | Updated as of Sep 30 2019 07:13 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

(UPDATE) Ilan pang kompanya ng langis ang nag-anunsiyo ngayong Lunes na magpapatupad sila ng bawas-presyo sa kanilang mga produkto simula Martes, Oktubre 1.

Unioil (Alas-6 ng umaga, Martes)
GASOLINA -P1.45/L
DIESEL -P0.70/L

Seaoil, Shell, Petron (Alas-6 ng umaga, Martes)
GASOLINA -P1.45/L
DIESEL -P0.60/L
KEROSENE -P1/L

Total, PTT Philippines (Alas-6 ng umaga, Martes)
GASOLINA -P1.45/L
DIESEL -P0.60/L

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi, Martes)
GASOLINA -P1.45/L
DIESEL -P0.60/L
KEROSENE -P1/L

Petro Gazz (Alas-6 ng umaga, Martes)
GASOLINA -P1.55/L
DIESEL -P0.50/L

Nauna nang nagpatupad noong hapon ng Linggo ang Cleanfuel ng P0.50 bawas-presyo sa kada litro ng diesel at P1.50 bawas-presyo sa kada litro ng gasolina.

MAS MALAKI DAPAT

Pumalag naman ang Department of Energy (DOE) dahil dapat daw ay mas malaki ang bawas-presyo.

Nasa P1.60 hanggang P1.70 ang dapat na rollback sa gasolina, ayon sa mga taga-industriya.

Dapat daw magpaliwanag ang mga kompanya ng langis kung bakit hindi pareho ang kanilang ipinatupad na bawas-presyo sa na-compute ng ahensiya, ayon kay Rino Abad, direktor ng Oil Industry Management Bureau ng DOE.

May ilang kompanya ng langis na nagsabing hindi pareho ang kanilang bawas-presyo sa computation dahil sa pagmahal ng ethanol na hinahalo sa gasolina.

LPG MAY TAAS-PRESYO

Pero kung may bawas sa petrolyo, tataas naman ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) simula Martes, Oktubre 1.

Nag-abiso na ang Petron ng P4.50 na dagdag sa presyo ng kada kilo ng gasul at P2.50 dagdag sa kada litro ng auto-LPG.

Nasa P3.98 naman ang dagdag-presyo sa kada kilo ng LPG ng Solane.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.