Gasolina may higit P1 rollback simula Oktubre 1

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2019 11:54 AM | Updated as of Sep 29 2019 01:00 PM

(UPDATE) Kasunod ng malaking pagtaas sa presyo ng petrolyo noong nakaraang linggo, magpapatupad ang mga kompanya ng langis ng rollback sa presyo ng kanilang mga produkto simula Martes, Oktubre 1.

Ayon sa Shell at Seaoil, P1.45 ang kanilang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina, P0.60 sa kada litro ng diesel, at P1 sa kada litro ng kerosene.

Nasa P1.55 naman ang bawas-presyo ng Petro Gazz sa kada litro ng gasolina at P0.50 sa kada litro ng diesel.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.