Presyo ng LPG, krudo sabay-sabay tataas sa pagpasok ng Oktubre

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2018 07:05 PM

Sa ika-8 sunod na linggo ay magkakaroon muli ng malakihang pagtataas ng presyo ng petrolyo simula Martes, Oktubre 2.

Tinatayang dagdag-presyo sa petrolyo simula Martes:

  • Diesel → P1.30-P1.40/litro
  • Gasolina → P0.90-P1.10/litro
  • Kerosene → P0.90-P1.10/litro

Maglalaro sa P1.30 hanggang P1.40 kada litro ang magiging dagdag-presyo sa diesel habang P0.90 hanggang P1.10 kada litro naman sa gasolina at kerosene.

Kung isasali sa kuwenta ang tinatayang dagdag-presyo sa Martes, aabot na sa P4 kada litro ang iminahal ng petrolyo sa loob ng walong sunod-sunod na linggong oil price hike.

Pati presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) tataas din nang P2 hanggang P2.50 kilo simula Oktubre 1.
    
Katumbas ito ng P22 hanggang P27.50 kada 11 kilo na tangke ng LPG.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.