Mga produktong petrolyo may rollback sa pagpasok ng Oktubre

ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2019 04:38 PM

MAYNILA — Isang good news ang sasalubong sa mga motorista sa pagpasok ng Oktubre dahil may rollback na nakatakda sa Martes.

Tinatayang rollback sa petrolyo:

  • Gasolina → P1.60-P1.70/litro
  • Diesel → P0.60-P0.70/litro
  • Kerosene → P0.90-P1.00/litro

Maglalaro sa P1.60 hanggang P1.70 kada litro ang posibleng rollback sa gasolina, P0.60 hanggang P0.70 sa diesel, at P0.90 hanggang P1.00 naman sa kerosene.

Ayon sa mga taga-industriya, humupa rin kasi ang presyo sa Middle East kasunod ng pangako ng Saudi Arabia na babalik na sa normal ang kanilang produksiyon kasunod ng pambobomba sa oil facilities doon noong Setyembre 14.

Samantala, pinapayuhan ang mga konsumer na bumili na ng bagong tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) dahil isang malakihang taas-presyo ang ipatutupad simula Oktubre 1, Martes.

Tinatayang P4 hanggang 5 kada kilo ang imamahal ng LPG o P44 hanggang 55 kada 11 kilong tangke.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.