PatrolPH

Presyo ng ilang gulay tumaas matapos manalasa ang 'Karding'

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2022 01:27 PM | Updated as of Sep 27 2022 04:50 PM

Watch more News on iWantTFC

Tumaas ang presyo ng gulay sa ilang pamilihan sa Metro Manila bunsod umano ng kakaunting delivery kasunod ng pananalasa ng Bagyong Karding.

Sa Pasay Market, nadagdagan ngayong Martes nang P20 hanggang P40 ang kada kilo ng ilang gulay:

  • Bawang - P120 kada kilo mula P100
  • Sibuyas - P200 kada kilo mula P180
  • Kamatis P120 kada kilo mula P80
  • Pechay Tagalog - P80 kada kilo mula P75
  • Pechay Baguio - P60 kada kilo mula P55
  • Lettuce - P180 kada kilo mula P150
  • Cabbage - P60 kada kilo mula P45
  • Talong - P80 kada kilo mula P60
  • Ampalaya - P80 kada kilo mula P70
  • Carrots - P100 kada kilo mula P75
  • Patatas - P80 kada kilo mula P70
  • Kalamansi - P80 hanggang P100 kada kilo mula P60 hanggang P65

Ayon sa mga nagtitinda, hindi maiwasang magtaas ng presyo dahil mas kakaunti ang gulay na nai-deliver.

Samantala, sa Litex Market sa Quezon City, P100 ang iminahal ng presyo ng carrot.

Tumaas din nang P20 hanggang P30 ang presyo ng ilang gulay galing Baguio dahil sa kaunting supply sa Balintawak at Divisoria, ayon sa mga nagtitinda.

Narito ang presyo ng gulay sa Litex Market:

  • Talong - P80 kada kilo mula P50
  • Ampalaya - P60 kada kilo mula P40
  • Sitaw - P70 kada kilo mula P40
  • Sili green - P70 kada kilo mula P40
  • Repolyo - P60 kada kilo mula P25
  • Carrots - P150 kada kilo mula P50
  • Kalabasa - P50 kada kilo mula P20
  • Camatis - P60 kada kilo mula P40
  • Pechay Baguio - P100 kada kilo mula P80
  • Bawang - P120 kada kilo mula P100
  • Sibuyas - P180 kada kilo mula P160
  • Kalamansi - P80 hanggang P100 kada kilo mula P60

Wala namang paggalaw sa presyo ng baboy at manok.

Tinatayang aabot sa P160 milyon ang inisyal na halaga na pinsala ng Bagyong Karding sa sektor ng agrikultura.

Ayon sa pinakahuling report mula National Disaster Risk Reduction and Management Council, karamihan sa mga nasira ay mga tanim na gulay, palay at iba pa sa mga lugar sa Luzon na direktang tinamaan ng bagyo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.