Mga motoristang nagpapakarga sa gasolinahan sa Pasig noong Oktubre 2022. Mark Demayo, ABS-CBN News/File
(UPDATE) Mapuputol na ang serye ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil kasado na ang rollback sa Martes, Setyembre 26.
Ayon sa mga kompanya ng langis, narito ang ipatutupad nilang bawas-presyo:
Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA -P0.20/L
DIESEL -P0.20/L
KEROSENE -P0.50/L
Cleanfuel (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA -P0.20/L
DIESEL -P0.20/L
Shell, Seaoil, Petron (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P0.20/L
DIESEL -P0.20/L
KEROSENE -P0.50/L
Petro Gazz, Jetti Petroleum, PTT Philippines, Unioil, Phoenix Petroleum (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P0.20/L
DIESEL -P0.20/L
Mula Hulyo 11 hanggang Setyembre 19, umabot sa P17.30 ang kabuuang itinaas ng kada litro ng diesel, P11.85 naman sa gasolina at P15.94 sa kerosene.
Ang problema umano ay maaaring bumalik na naman ang oil price hike sa susunod na linggo dahil sa mga salik sa international market na hindi kontrolado ng gobyerno.
Kasama umano rito ang desisyon ng Russia na limitahan ang fuel exports at anunsiyo ng Organization of the Petroleum Exporting Countries na mukhang lolobo pa ang kakulangan sa supply ng langis sa dulo ng 2023.
"Nandyan pa rin talaga ang mga kadahilanan para sumirit pataas ang presyo. Unang-una 'yong expectation na may talagang substantial deficit sa supply... nandiyan po ang mga nagbibigay ng pressure para tumaas pero sana magsunod-sunod naman itong rollback," ani Rodelo Romero, assistant director sa Department of Energy (DOE).
— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.