MAYNILA (UPDATE)— Sisimulan na ng Meralco ang putulan ng kuryente sa mga kabahayan sa Metro Manila na hindi nakakabayad, maliban na lang sa mga lugar na naka-granular lockdown.
"Disconnection activities will resume in NCR. But it will remain suspended in areas in NCR placed under granular lockdown by LGUs," anila sa isang pahayag.
Dagdag pa nila na sa susunod na linggo sila magpapadala ng disconnection notice para sa mga overdue na bill.
"Disconnection activities in NCR will resume with the delivery of disconnection notices for services with unpaid overdue bills next week. The disconnection notices give customers enough time to settle their bills or to reach out for assistance."
Kasunod na rin ito ng pagsasailalim ng rehiyon sa Alert Level 4, kung saan pinapayagan ang operasyon ng ilan pang mga negosyo.
Mananatili namang suspendido ang disconnection activities sa Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, at Lucena City sa Quezon hanggang Setyembre 30.
Nasa modified enhanced community quarantine ang mga nasabing probinsiya.
"Disconnection activities remain suspended until Sept. 30, 2021 in Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal and Lucena City in Quezon," ayon sa Meralco.
Hinikayat ng Meralco na makipag-ugnayan sa kanila para magkasundo sa billing terms, kung hindi kayang bayaran ang bill bago ang deadline.
“We encourage customers with billing concerns to reach out, so we can assist them and even come up with payment terms if needed. We will continue be very considerate of the challenges our customers are facing amid these difficult times,” ani Ferdinand Geluz, Meralco First Vice President at Chief Commercial Officer, sa pahayag.
Sa isa namang Facebook post, sinabi ng Meralco na maaaring makipag-usap sa kanila para makagawa ng payment plan kung nabibigatan sa bill ngayon.
Hinikayat din ng Meralco ang mga kustomer na mag-book ng appointment para maiwasan ang pila o makipag-usap sa pamamagitan ng video conferencing.
Kung maaari rin anila ay bayaran online ang mga bill sa mga payment partner.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, NCR, Metro Manila, Meralco, disconnection, konsyumer, kuryente