Higit 2,700 trabaho bukas sa iba-ibang ahensiya ng gobyerno

ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2019 02:24 PM | Updated as of Sep 22 2019 06:35 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE) — Nasa 2,786 trabaho sa iba-ibang ahensiya ng gobyerno sa National Capital Region (NCR) ang maaaring apalayan ngayong Setyembre.

Karamihan sa mga bakanteng posisyon ay nurses, doctors, revenue at administrative officers, teachers, guidance councilors, lawyers at information technology officers.

Nangunguna sa may pinakamaraming bakanteng posisyon ang Department of Health na may 686 posisyon. Sinundan ito ng Bureau of Internal Revenue na may 627 posisyon at Bureau of Customs na may 200 posisyon.

Nagbukas din ang Metropolitan Manila Development Authority ng 339 posisyon na hindi na nangangailangan ng Civil Service Commission (CSC) eligibility tulad ng traffic enforcer at street sweeper.

"Aside from the qualification standards, kailangan din na may competency that they have to meet before entering the government service," ani Judith Dongallo,Chicano, direktor ng CSC-NCR.

Magdaraos ng job fair sa Setyembre 24 ang CSC sa GT-Toyota Asian Center Auditorium sa University of the Philippines-Diliman, Quezon City.

Nasa 14 ahensiya ng gobyerno ang lalahok sa nasabing job fair.

May mga job fair din sa iba-ibang rehiyon sa bansa ngayong Setyembre.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.