Gasolina may higit P2 taas-presyo simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2019 04:04 PM

MAYNILA — Magkakaroon ng malaking pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo simula Martes, Setyembre 24, ayon sa abiso ng ilang oil firm.

Ayon sa Shell at Petro Gazz, P2.35 ang taas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina at P1.80 sa kada litro ng diesel.

Magpapatupad din ang Shell ng P1.75 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.