PatrolPH

Gov't online fair may alok na 2,600 trabaho

ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2021 01:51 PM | Updated as of Sep 22 2021 08:28 PM

Watch more on iWantTFC

Aabot sa 2,600 trabaho ang alok ng government online career fair (GOCF 2021) ng Civil Service Commission. 

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, katuwang nila ang JobStreet sa pagbubukas ng online application sa mga bakanteng puwesto. 

Mahigit 1,200 na kasing empleyado ng gobyerno ang pumanaw at marami pang unfilled na posisyon. 

Ayon sa website ng CSC, dapat magparehistro sa registration link ang mga lalahok at ibigay ang e-mail address.

Dito, pipirma ng personal data sheet ang registrant. 

I-click ang "apply now" button sa website. Makikita ang iba't ibang ahensiya na nag-aalok ng mga trabaho sa kanilang main o kaya regional office. 

May ilan ding mga public hospital na nag-aalok ng trabaho para sa health care workers na makikikita sa website. 

Magbibigay naman ng abiso ang mga ahensiya sa email o kaya text message ukol sa status ng application ng aplikante. 

Kung interesado ay maaaring mag-file ng online application sa jobstreet.com.ph at magpasa ng requirements sa virtual booths ng mga ahensiya. 

Hindi naman hihingin ang edad at relihiyon sa portal. 

Magbubukas ang government online career fair hanggang Biyernes, Setyembre 24. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.