Big-time oil-price hike ipatutupad sa Martes; pagsabog sa Saudi sinisi

ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2019 06:19 PM

MAYNILA — Isang malakihang oil price hike ang inaasahang ipatutupad ng mga kompanya ng langis simula sa Martes. 

Posible kasing umabot sa P2.60 kada litro ang itaas sa presyo ng gasolina habang maaaring pumalo sa P1.80 ang dagdag-singil sa diesel.

Tinatayang dagdag-presyo sa petrolyo
•Gasolina → P2.40-P2.60/litro
•Diesel → P1.70-P1.80/litro
•Kerosene → P1.80-P1.90/litro
    
Resulta ito ng pagpapasabog sa oil facilities ng Saudi Arabia.
    
Bagama't humupa ang presyo sa huling 3 araw ng trading, hindi nabura ang malaking pagtaas isang araw kasunod ng bombing.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, hindi na nila pakikiusapan ang mga kompanya ng langis na utay-utayin ang dagdag-presyo dahil kampante silang babalik na sa normal ang suplay ng Saudi sa mga susunod na araw.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.