PatrolPH

Malakihang rollback sa presyo ng diesel, kerosene ipatutupad sa Setyembre 20

ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2022 01:02 PM | Updated as of Sep 19 2022 09:44 PM

Watch more News on iWantTFC

(UPDATE) Magkakaroon ng malakihang rollback sa presyo ng ilang produktong petrolyo sa Martes, Setyembre 20.

Ito na ang ikatlong sunod na linggong may rollback sa presyo ng petrolyo.

Ayon sa mga kompanya ng langis, walang paggalaw sa presyo ng gasolina pero narito ang kanilang bawas-presyo sa diesel at kerosene:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
DIESEL -P4.15/L
KEROSENE -P4.45/L

Cleanfuel (Alas-12:01 ng hatinggabi)
DIESEL -P4.15/L

Shell, Seaoil, Petron, Flying V (Alas-6 ng umaga)
DIESEL -P4.15/L
KEROSENE -P4.45/L

Petro Gazz, Unioil, Phoenix Petroleum, Jetti Petroleum (Alas-6 ng umaga)
DIESEL -P4.15/L

Ang rollback ay gawa ng pagbagsak ng presyuhan sa world market dahil sa pangamba ng recession sa Europa at Amerika gayundin ng mga lockdown sa China dahil sa COVID-19.

May bawas-presyo din sana sa gasolina dahil bumagsak naman ang presyo nito nang P0.30 sa world market pero nakain umano ito ng mataas na freight at premium.

Dahil sa rollback, maglalaro na lang sa P63 hanggang P85 ang presyo ng diesel.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.