PatrolPH

#WalangTubig: 38,000 kabahayan apektado sa San Juan, Mandaluyong sa Sept. 20-21

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2021 03:08 PM

MAYNILA - Pansamantalang mawawalan ng tubig ang nasa 14 barangay o katumbas ng 38,000 kabahayan sa Mandaluyong at San Juan mula gabi ng Setyembre 20 hanggang Setyembre 21, anunsiyo ng Manila Water ngayong Biyernes. 

Magtatagal mula alas-11 ng gabi ng Lunes hanggang alas-5 ng madaling araw ng Martes ang water interruption. 

Paliwanag ng water concessionare, magkakaroon sila ng maintenance activities sa cor. Ideal St. sa harap ng Nissan Shaew sa Barangay Addition Hills. 

Narito ang mga apektadong barangay: 

Mandaluyong: 

  • Addition Hills 
  • Barangka Drive
  • Barangka Ibaba
  • Barangka Ilaya
  • Barangka Itaas
  • Highway Hills
  • Hulo
  • Malamig
  • Mauway
  • Northeast Greenhills
  • Plainview
  • Pleasant Hills
  • Wack-wack East Greenhills

San Juan: 

  • Greenhills

Kaugnay na video: 

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.