Ilan pang oil firms nag-anunsiyo ng bawas-presyo ngayong linggo

ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2020 10:27 AM | Updated as of Sep 14 2020 06:49 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA (UPDATE) - Ilan pang oil company ang nag-abiso na magkakaroon sila ng bawas-presyo sa kanilang mga produkto.

Phoenix Petroleum (Alas-6 ng umaga, Setyembre 14)
DIESEL -P1.50/L
GASOLINA -P1/L

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi, Setyembre 15)
DIESEL -P1.50/L
GASOLINA -P1/L
KEROSENE -P1.45/L

Petro Gazz (Alas-6 ng umaga, Setyembre 15)
DIESEL -P1.55/L
GASOLINA -P1/L

(BOLD) Shell, Seaoil (Alas-6 ng umaga, Setyembre 15)
DIESEL -P1.55/L
GASOLINA -P1/L
KEROSENE -P1.45/L

Nauna nang nagpatupad ang Unioil at Cleanfuel ng nasa P1 kada litro na bawas sa presyo ng kanilang gasolina at diesel.

Sa kabuuan, mula Enero hanggang Setyembre 15, P10.97 na ang kabuuang halaga ng ibinaba ng presyo ng kada litro ng diesel, P5.22 sa kada litro ng gasolina, at P15.38 sa kada litro ng kerosene.

'Unbundling' isinusulong ng mambabatas

Gusto naman ni Sen. Sherwin Gatchalian na ipahimay o i-unbundle ang presyuhan ng petrolyo at ilantad ang imbentaryo ng produktong petrolyo sa bansa.

Maghahain ng panukala si Gatchalian para raw matiyak na makatarungan ang presyo at maiayos ang sistema ng imbentaryo ng langis.

Dati nang iniutos ng Department of Energy ang pag-unbundle pero kinuwestiyon ito ng mga kompanya ng langis kaya ipinatigil ng korte.

Kaya raw dapat ilagay na sa batas ang paghimay ng presyuhan at imbentaryo para wala ng kuwestiyon sa pagbusisi ng presyo ng produktong petrolyo. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.