Nasa P1 rollback sa petrolyo inaasahan sa susunod na linggo

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2020 04:53 PM

MAYNILA - Nagbabadya ang malakihang bawas sa presyo ng diesel, kerosene at gasolina ngayong Setyembre 15, ayon sa mga taga-industriya. 

Tinatayang bawas sa presyo ng produktong petrolyo:

  •  Gasolina → P1.50-P1.60/litro
  •  Diesel → P0.95-P1.10/litro
  •  Kerosene → P0.95-P1.10/litro 

Tinatayang nasa P1.50 hanggang P1.60 ang magiging rollback sa kada litro ng gasolina. 

Samantala, ang magiging bawas sa diesel, maglalaro sa P0.95 hanggang P1.10 kada litro. 

Ang kerosene naman, may P0.95 hanggang P1.10 na rollback kada litro. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.