PatrolPH

Ika-3 sunod na oil price hike asahan pagdating ng Setyembre 14

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2021 02:39 PM


MAYNILA— Asahan muli ang dagdag-presyo sa langis sa Martes, Setyembre 14, ang ikatlong sunod na linggo ng price hike.

Presyo ng petrolyo: 

  • Gasolina — P0.30 - P0.40 /litro
  • Diesel — P0.25 - P0.35/litro
  • Kerosene — P0.10 - P0.20/litro

Ang gasolina, may P0.30 hanggang P0.40 kada litrong taas-presyo. 

Ang diesel, magdaragdag ng singil na P0.25 hanggang P0.35 kada litro. 

Samantala ang kerosene may P0.10 hanggang P0.20 kada litrong dagdag-singil. 

Matatandaan din na nitong Biyernes ay sinabi ng Meralco na tataas ang bill ng Meralco sa Setyembre. 

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Kaugnay na video: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.