MAYNILA (UPDATE) - Magpapatupad ng dagdag-singil ang Meralco para sa September bill, ang ika-6 na sunod na buwan na may taas presyo sa kuryente.
Nasa P0.10 kada kilowatt-hour ang dagdag singil, anunsiyo ng electricity provider.
Katumbas ito ng dagdag na P21 hanggang P52 para sa ordinaryong residential customers.
Paliwanag ng Meralco, ang dagdag-singil ay dahil sa pagsipa ng generation charge.
Ang ilang konsyumer, gaya ni Encarnacion Pelaez, nanawagang huwag nang taasan ang singil.
"Namomroblema ako kasi wala man akong ibang malapitan na. Utang na lang... Huwag naman sanang taasan nang taasan kasi sa panahon ngayon pandemic po ang hirap po," ani Pelaez.
Samantala, sinabi ng Meralco at ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na walang disconnection sa mga lugar na apektado ng granular lockdowns.
"Kasi nakalockdown ka, di ka makalabas para makabayad at kumita ng pera para kailangan pambayad sa water bill so ginagawa natin dapat na hindi ka pwede ma-penalize for that kaya no disconnection 'pag may lockdown sa area niyo," ani Metropolitan Waterworks and Sewerage System Chief Regulator Patrick Ty.
"Bagama't may online functions, but since government says that specific areas are undergoing granular lockdown, di parang MECQ na rin 'yun," ani Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga.
— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.