Presyo ng gasolina, diesel tatapyasan sa Setyembre 8

ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2020 08:48 AM | Updated as of Sep 07 2020 01:49 PM

MAYNILA (UPDATE) - Nag-abiso ang ilang oil firm na magpapatupad sila ng bawas sa presyo ng kanilang mga produkto simula Martes, Setyembre 8.

Ayon sa Shell, Petro Gazz, Seaoil, Cleanfuel, Caltex, at Flying V, P0.30 ang ibabawas sa presyo ng kada litro ng gasolina habang P0.45 naman sa kada litro ng diesel.

Magpapatupad din ang Shell, Seaoil, Caltex, at Flying V ng P0.55 bawas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Karamihan sa oil firms ay maga-adjust ng presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na alas-8:01 ng umaga. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.