MAYNILA — Ilang gasolinahan na ang nagpatupad ng kanilang tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula Sabado.
Buena mano dito ang Phoenix Petroleum na nag-rollback na simula alas-6 ng umaga Sabado.
ROLLBACK NG PHOENIX PETROLEUM
- Gasolina → P0.50/litro
- Diesel → P0.10/litro
Ang Clean Fuel naman, alas-4 ng hapon sa Linggo aarangkada ang bawas-singil sa mga produkto.
ROLLBACK NG CLEAN FUEL
- Gasolina → P0.50/litro
- Diesel → P0.10/litro
Alas-6 ng umaga naman sa Martes mararamdaman ang tapyas-presyo ng Petro Gazz.
ROLLBACK NG PETRO GAZZ
- Gasolina → P0.50/litro
- Diesel → P0.10/litro
Batay sa ilang oil players, ang dahilan ng pagbagsak ng presyo ng imported na petrolyo ay nag-uugat pa rin sa trade war ng China at US.
Sa pananaw ng mga eksperto, hangga't di napaplantsa ang sigalot sa kalakalan ng 2 bansa, hindi rin sisipa nang husto ang demand sa langis.
—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, TV Patrol, Busina, oil price hike, rollback, langis, petrolyo, gasolina, diesel, kerosene, gaas, pasada