PatrolPH

ALAMIN: Rollback sa presyo ng petrolyo simula Setyembre 6

ABS-CBN News

Posted at Sep 05 2022 03:46 PM | Updated as of Sep 05 2022 07:10 PM

Gasolinahan sa Mandaluyong City noong Marso 22, 2022. George Calvelo, ABS-CBN News/File
Gasolinahan sa Mandaluyong City noong Marso 22, 2022. George Calvelo, ABS-CBN News/File

(UPDATE) Magkakaroon ng bawas sa presyo ng produktong petrolyo simula Martes, Setyembre 6.

Ayon sa abiso ng mga kompanya ng langis, narito ang halaga ng ipatutupad nilang rollback:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA -P2.60/L
DIESEL -P1.55/L
KEROSENE -P1.60/L

Cleanfuel (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA -P2.60/L
DIESEL -P1.55/L

Shell, Seaoil (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P2.60/L
DIESEL -P1.55/L
KEROSENE -P1.60/L

PetroGazz, PTT Philippines, Jetti Petroleum, Unioil (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P2.60/L
DIESEL -P1.55/L

Watch more News on iWantTFC

Ayon sa Department of Energy (DOE), ang lockdown sa ilang bahagi ng China at posibilidad ng panibagong pagtaas ng interest rate sa Euopa at Amerika para mapahupa ang presyo ng bilihin ang panguhaning dahilan ng pagbagsak ng presyo ng imported fuel.

Ayon sa mga eksperto, posibleng magtuloy-tuloy ang rollback, lalo kung hihina pa ang ekonomiya ng mga malalaking bansa sa mundo.

Apektado umano ang ekonomiya ng China dahil sa zero-COVID policy habang buhay pa rin ang posibilidad ng recession sa Amerika at Europa.

"Posibleng magtuloy-tuloy pa dahil talaga namang weak ang economy ng China," ani Eastern Petroleum President Fernando Martinez.

"'Yong recession is being felt in China, may lockdown pa, 'yong ang mabigat, gaya ng nangyari sa Pilipinas, demand can be halved, e numbr one importer ang China," ani Martinez.

Salik din ang resulta ng meeting ng Organization of the Petroleum Exporting Countries ngayong Lunes sa magiging susunod na galaw ng presyo ng petrolyo.

Pero kung ang DOE ang tatanungin, kailangang totohanin ng Amerika at Europa ang interest rate hike dahil kung hindi, baligtad ang magiging epekto sa merkado.

Kasali na ang ajdustment sa Martes, nasa P36.25 ang net increase sa diesel, P16.95 sa gasolina at P31.60 sa kerosene mula umpisa ng taon.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.