ALAMIN: Nagbabadyang rollback sa produktong petrolyo simula Setyembre 8

ABS-CBN News

Posted at Sep 05 2020 04:21 PM

MAYNILA - Nagbabadya ang bawas sa presyo ng diesel, kerosene at gasolina ngayong Setyembre 8, ayon sa mga taga-industriya. 

Tinatayang bawas sa presyo ng produktong petrolyo:
• Gasolina → P0.30 - P0.40/litro
• Diesel → P0.40-P0.50/litro
• Kerosene → P0.50-P0.60/litro 

Maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 ang magiging rollback sa kada litro ng gasolina. 

Samantala, ang magiging bawas sa diesel, maglalaro sa P0.40 hanggang P0.50 kada litro. 

Ang kerosene naman, may P0.50 hanggang P0.60 na rollback kada litro. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.