Bilang ng walang trabaho sa bansa, nasa 4.6 milyon nitong Hulyo ayon sa PSA | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bilang ng walang trabaho sa bansa, nasa 4.6 milyon nitong Hulyo ayon sa PSA

ABS-CBN News
Published Sep 03, 2020 02:56 PM PHT
|
Updated Sep 03, 2020 05:19 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) - Nasa 4.6 milyong Pilipino ang walang trabaho nitong Hulyo batay sa pinakahuling datos mula sa Philippine Statistics Authority.

“Ten percent o 4.6 milyong Pilipino na nasa labor force ay walang trabaho o negosyo noong nakaraang July 2020. Ang 10 percent unemployment rate ay mas mataas ng 2.2 million kaysa bilang ng July 2019 na nasa 2.4 million,” sabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa sa isang virtual press briefing.

Nasa 10 porsiyento ang unemployment rate ng bansa nitong Hulyo, bumuti kumpara nuong Abril dahil sa pagluwag ng quarantine protocols. Noong Abril, nasa 17.7 porsiyento ang unemployment rate ng bansa o katumbas ng nasa 7.3 milyong Pilipino na walang trabaho.

Ayon kay Department of Labor and Employment Asssitant Secretary Dominique Tutay, malaki ang naitulong sa datos ng mga nawalan ng trabaho na nagtayo ng sariling negosyo habang may pandemya.

ADVERTISEMENT
Dalawang milyong manggagawa naman ang inaasahang mabibigyan ng ayuda gamit ang P13 bilyong ilalaan sa DOLE oras na maisabatas ang Bayanihan 2, ang batas na maglalaan ng karagdagang budget para sa COVID-19 response ng gobyerno.

Prayoridad dito ang halos 1 milyong hindi nabigyan ng ayuda sa unang bugso ng labor aid program na COVID Adjustment Measures Program (CAMP).

Sa National Capital Region (NCR) naitala ang pinakamataas na unemployment rate na nasa 15.8 porsiyento nitong Hulyo, o katumbas ng 929,000 katao. Sinundan ito ng CALABARZON na nasa 12.4 porsiyento o katumbas ng 886,000 katao.

Pinakamababa naman ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nasa 3.8 porsiyento.

Kabilang sa limang sektor na pinakanawalan ng trabaho ang arts, entertainment and recreation, accommodation and food service activities, fishing and aquaculture at professional and technical activities, batay sa datos.

Dahil sa pandemya, natigil o limitado ang operasyon sa ilang sektor, gaya ng pagkakaroon ng mga face-to-face concerts. Umaaray din ang industriya ng turismo.

Kalauna’y niluwagan ang mga quarantine restrictions sa layuning mabuksan ang ekonomiya, habang sinusundan ang mga "minimum health at safety protocols" na inilatag ng gobyerno.

10,000 TRABAHO ALOK SA JOB FAIR NG DOLE
May ikinakasa na rin ang DOLE na online job fair para sa mga umuwing OFW na interesadong magtrabaho sa IT-BPM industry.

Nasa 10,000 trabaho sa gobyerno ang iaalok sa mga jobseeker sa online job fair na magtatagal mula Setyembre 14 hanggang 18.

Pangunahing kailangan ang mga sumusunod:
Pangunahing kailangan ang mga sumusunod:
ADVERTISEMENT
- Deputy Register of Deeds
- Administrative Officer
- Attorney
- Accountant
- Procurement officer
- Deputy Register of Deeds
- Administrative Officer
- Attorney
- Accountant
- Procurement officer
Mainam din kung mayroong Civil Service Eligibility pero may mga posisyong hindi naman kinakailangan ito.

Makikita sa website ng Civil Service Commission o JobStreet.com ang detalye para sa aplikasyon.

— Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
unemployment
COVID-19
employment rate
coronavirus
coronavirus Philippines update
COVID
coronavirus disease Philippines
COVID-19 Philippines update
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT