Industriya ng BPO, malakas pa rin sa bansa

ABS-CBN News

Posted at Sep 03 2017 04:24 PM | Updated as of Sep 03 2017 07:47 PM

Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang may lumalagong industriya ng Business Process Outsourcing (BPO).

Isa si Paolo Jimenez sa mga nabigyan ng pagkakataon na maging call center agent kahit hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

Ilan din sa pang-akit ng BPO ang mataas na suweldo, mabilis na proseso ng application at walang pinipiling edad.

Siyam na lungsod sa Pilipinas ang pasok sa pinakamahuhusay na industriya ng BPO sa buong mundo, ayon sa pag-aaral ng Tholons, isang advisory firm para sa Global Outsourcing and Investments.

Pangalawa ang Metro Manila sa listahan, at kabilang din ang Cebu, 
Davao; Santa Rosa, Laguna; Bacolod; Iloilo; Dumaguete; Baguio; at Metro Clark sa Pampanga. 

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.