Tumaas ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) simula hatinggabi ng Setyembre 1.
Nasa P0.65 ang itinaas sa kada kilo ng LPG ng Petron na katumbas ng mahigit P6 sa kada regular na tangke.
Tumaas din nang P0.36 ang kada litro ng auto-LPG.
Ang Solane, may P0.64 kada kilong dagdag-presyo na umarangkada ng alas-6 ng umaga nitong Miyerkoles.
Paliwanag ng mga taga-industriya, ito ay bunsod ng pagtaas ng international contract price para sa buwan ng Setyembre.
Nitong Martes lang ay tumaas ang presyo ng produktong petrolyo dahil sa tumataas na demand sa langis sa ilang bansa.
— May mga ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
KAUGNAY NA VIDEO:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.