PatrolPH

Ika-4 sunod na bawas-singil sa LPG asahan sa Setyembre

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2022 07:35 PM

LPG outlet sa Maynila noong 2019. George Calvelo, ABS-CBN News/File 
LPG outlet sa Maynila noong 2019. George Calvelo, ABS-CBN News/File 

MAYNILA - Nagbabadyang bumaba ang presyo ng liquefied petroleum gas ngayong Setyembre, ayon sa mga taga-industriya. 

Ito na ang ika-4 sunod na buwan na nagkaroon ng bawas-singil sa LPG.

Bunsod ito sa pagbaba ng contract price. 

Tinatantiyang bababa nang P1.50 hanggang P2 kada kilo ang presyo ng LPG

Bago pa man nagsimula ang Setyembre, nag-anunsiyo na ang Petron na magpapatupad ito ng P1.75 kada kilong rollback. 

Bababa rin ang presyo ng AutoLPG ng P0.98 kada litro. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.