ALAMIN: Galaw sa presyo ng petrolyo sa Setyembre 1

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2020 05:37 PM

MAYNILA — Magkakaroon ng bawas at dagdag sa presyo ng ilang uri ng petrolyo simula Martes, Setyembre 1, batay sa anunsiyo ng iba't ibang gasolinahan.

SHELL, SEAOIL, FLYING V, PETRON (epektibo alas-6 ng umaga)

  • Gasolina → P0.10/litro (dagdag)
  • Diesel → P0.10/litro (bawas) 
  • Kerosene → P0.10/litro (bawas) 

PETRO GAZZ (epektibo alas-6 ng umaga)

  • Gasolina → P0.10/litro (dagdag)
  • Diesel → P0.10/litro (bawas) 

CLEAN FUEL (epektibo 8:01 ng umaga)

  • Gasolina → P0.10/litro (dagdag)
  • Diesel → P0.10/litro (bawas) 

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.