Presyo ng diesel, kerosene may rollback sa pagpasok ng Setyembre

ABS-CBN News

Posted at Aug 29 2020 06:19 PM

MAYNILA - Namumuro ang bawas sa presyo ng diesel at kerosene habang muling inaasahan ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina sa pagpasok ng Setyembre.

Tinatayang dagdag at bawas sa presyo ng produktong petrolyo:

  •  Gasolina → P0.05 - P0.15/litro (dagdag) 
  •  Diesel → P0.05 - P0.10/litro (bawas) 
  •  Kerosene → P0.05 - P0.10/litro (bawas) 

May bawas presyo na P0.05 hanggang P0.10 ang kada litro ng diesel at kerosene. 

Samantala, may P0.05 hanggang P0.15 na dagdag-presyong inaasahan sa gasolina. 

May posibilidad na tumaas ang presyo ng LPG sa Setyembre 1 na maglalaro sa P0.50 hanggang P1 kada kilo. 

Pero sa Lunes, Agosto 31, pa malalaman ang final contract price nito sa international market. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.