Transport group umapela muling payagan nang bumiyahe ang lahat ng jeep | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Transport group umapela muling payagan nang bumiyahe ang lahat ng jeep

Transport group umapela muling payagan nang bumiyahe ang lahat ng jeep

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Muling umapela ang isang transport group na payagan muling bumiyahe ang lahat ng mga jeepney driver lalo’t wala naman daw silang natatanggap na ayuda.

Pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang 23 dagdag-ruta sa Metro Manila simula Miyerkoles.

Pero ayon kay Manibela National President Mar Valbuena, katumbas ng 13,776 tsuper ang bilang ng mga pinapayagang bumiyahe. Malayo sa nasa 70,000 jeep na pumapasada sa Metro Manila bago magkaroon ng lockdown.

Sa kabuuan, 149 lang sa 600 ruta ang pinayagang pumasada ng gobyerno.

ADVERTISEMENT

"Sa ngayon po sa inilabas pong mga bagong ruta wala pa rin po kakaunti pa rin po yung mga napayagan at ang ibang rutang kasama namin wala pa rin pong napapayagan hanggang ngayon na bumiyahe,” ani Valbuena.

“Nakakaawa nga po at hindi na po alam ang gagawin ng mga kababayang jeepney drivers at saka UV express drivers po,” dagdag niya.

Nitong Marso ay hindi pinayagan sa kalsada ang mga pampublikong sasakyan gaya ng mga jeepney para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dahilan ang lockdown para mamalimos o maghanap ng ibang pangkabuhayan ang mga tsuper ngayong natengga sila sa kanilang trabaho.

Ngayong niluwagan na ang lockdown protocols, pinayagan na ng gobyerno na bumiyahe ang mga piling tsuper habang sumusunod sa mga minimum health standards na inilatag ng pamahalaan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.