Presyo ng diesel bababa, gasolina tataas simula Agosto 25

ABS-CBN News

Posted at Aug 24 2020 01:44 PM | Updated as of Aug 24 2020 03:21 PM

(UPDATE) Nag-anunsiyo ang mga kompanya ng langis na magkakaroon ng pagbaba sa presyo ng diesel at pagtaas sa presyo ng gasolina simula Martes, Agosto 25.

Ayon sa Shell, Petro Gazz, Seaoil, Cleanfuel, at PTT Philippines, P0.20 ang bawas sa presyo ng kada litro ng diesel habang P0.15 naman ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina.

Magpapatupad naman ang Shell at Seaoil ng P0.25 na bawas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Nasa P0.15 naman ang taas-presyo ng Caltex sa gasolina at parehong halaga rin sa bawas-presyo sa diesel. Magpapatupad din ang kompanya ng P0.20 bawas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na maga-adjust alas-8:01 ng umaga. —Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.