#WalangTubig: Ilang lugar na sineserbisyuhan ng Manila Water, Agosto 25-26

ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2020 12:25 PM

MAYNILA - Inabisuhan ng Manila Water ang mga kostumer nito sa ilang lugar sa Maynila, Makati at Mandaluyong na mag-ipon ng tubig dahil sa nakatakdang water interruption simula gabi ng Martes, Agosto 25.

Magsisimula ng alas-10 ng gabi ang water interruption at tatagal hanggang alas-4 ng madaling araw ng Miyerkoles, Agosto 26, sabi ng Manila Water.

Nakatakda kasi umanong ayusin ang isang tubo ng tubig sa may Santa Mesa district sa Maynila.

Sa Maynila, apektado ang Barangay 763 hanggang 820, 866, 869, at 873 hanggang 905.

Apektado naman ang mga barangay ng Carmona, Kasilawan, Olympia, Poblacion, Santa Cruz, Singkamas, Tejeros, at Valenzuela sa Makati.

Sa Mandaluyong, sapul ng water interruption ang Mabini–J.Rizal, Namayan, at Vergara.

Ayon sa Manila Water, dapat ipunin ang tubig na sapat lamang para sa pangangailangan habang may water interruption.

-- Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.