Presyo ng diesel, kerosene may bawas simula Martes, Agosto 25

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2020 04:59 PM

MANILA - Inaasahan ang bawas sa presyo ng diesel at kerosene habang may dagdag-presyo na inaasahan sa kada litro ng gasolina simula Martes, Agosto 25, ayon sa mga taga-industriya. 

Tinatayang dagdag at bawas sa presyo ng produktong petrolyo:

  • Gasolina → P0.15 - P0.20/litro (dagdag) 
  • Diesel → P0.15 - P0.20/litro (bawas) 
  • Kerosene → P0.15 - P0.20/litro (bawas) 

Magbabawas ng P0.15 hanggang P0.20 ang kada litro ng diesel at kerosene. 

Samantala, may P0.15 hanggang P0.20 na dagdag-presyong inaasahan sa gasolina. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.