PatrolPH

Ika-3 sunod na rollback sa presyo ng petrolyo asahan sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2021 01:54 PM


MAYNILA— Sa ika-3 sunod na linggo ay magkakaroon muli ng bagsak-presyo sa produktong petrolyo, ayon sa mga taga-industriya. 

  • Gasolina — P0.90 - P1.00 /litro
  • Diesel — P0.80 - P0.90/litro
  • Kerosene — P0.80 - P0.90/litro

Nasa P0.90 hanggang P1.00 ang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina sa Martes.

Samantala, P0.80 hanggang P0.90 naman ang tapyas sa kada litro ng diesel at kerosene.

Noon nang ipinaliwanag na nagkakaroon ng pagbaba sa presyo ng langis tuwing dumarami ang lockdown sa buong mundo. 

Mas malaki pa dapat ang bawas sa gasolina pero dahil tumaas din ang presyo ng ethanol, maaaring mabawasan ang rollback.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

 KAUGNAY NA BALITA: 
 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.