Diesel, gasolina may taas-presyo sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2020 11:18 AM | Updated as of Aug 17 2020 05:29 PM

MANILA (UPDATE) - Nag-anunsiyo ang mga oil firm na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng diesel at gasolina simula Martes, Agosto 18.

Ayon sa Cleanfuel, Petro Gazz, Shell, Seaoil, Flying V, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Petron at Caltex, P0.10 ang taas-presyo sa kada litro ng diesel habang P0.60 naman sa kada litro ng gasolina.

Epektibo ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga maliban sa Cleanfuel na magpapatupad alas-4:01 ng hapon at Caltex na mag-a-adjust alas-12:01 ng hatinggabi.

Wala namang galaw ang presyo ng kerosene.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.