PatrolPH

Ika-2 sunod na rollback sa presyo ng petrolyo asahan sa Agosto 17

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2021 03:55 PM

MAYNILA— May rollback na aasahan sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa mga taga-industriya. 

 

  • Gasolina — P0.25-P0.35 /litro
  • Diesel — P0.40-P0.50/litro
  • Kerosene — P0.40-P0.50/litro

Maglalaro sa P0.25 hanggang P0.35 ang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina. 

May P0.40 hanggang P0.50 namang tapyas sa kada litro ng diesel at kerosene.

Paliwanag ng mga taga-industriya, epekto ito ng pagkalat ng COVID-19 Delta variant sa buong mundo at pagbaba ng presyo sa world market. 

Marami kasing bansa ang nagla-lockdown at humina ang demand sa langis dahil limitado ang mga biyahe. 

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

KAUGNAY NA BALITA: 

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.