#WalangTubig: 20,000 kabahayan sa QC, Agosto 13-15

ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2019 12:08 PM

Mawawalan ng tubig o makararanas ng mababang pressure simula nitong Martes ng gabi ang aabot sa 20,000 kabahayan sa tatlong barangay sa Quezon City bunsod ng maintenance works ng Manila water sa lugar. 

Maaapektuhan ang mga sumusunod na barangay: 

• Holy Spirit
• Pasong Tamo
• Sauyo 

Simula Agosto 13 hanggang Agosto 15, mula alas-8 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga sa susunod na araw makararanas ng water service interruptions.

Inabisuhan ng Manila Water ang mga residente na mag-imbak na ng tubig. 

-- May ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.