Presyo ng gasolina, diesel, may dagdag simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2018 01:37 PM | Updated as of Aug 13 2018 04:08 PM

Nag-anunsiyo nitong Lunes ang ilang kompanya ng langis na magkakaroon ng dagdag sa presyo ng diesel at gasolina simula Martes, Agosto 14.

Magkakaroon ng P0.15 dagdag sa kada litro ng kanilang gasolina at P0.25 na dagdag sa kada litro ng diesel ang mga sumusunod na kompanya:
- Flying V
- Shell
- SEAOIL
- Phoenix Petroleum
- Caltex
- Petro Gazz
- PTT Philippines

Wala namang paggalaw sa presyo ng kerosene.

Magiging epektibo ang price adjustment ng mga kompanya simula alas-6 ng umaga sa Martes.

-- May ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.