PatrolPH

Dagdag-singil sa kuryente posibleng masundan: NGCP

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2021 04:48 PM | Updated as of Aug 12 2021 07:02 PM

Watch more News on iWantTFC

Posibleng masundan pa ang dagdag-singil sa kuryente ngayong Agosto kung patuloy na kukontrata ng reserbang kuryente ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ayon sa NGCP, kung mabuo na ang kontrata nila sa maraming supplier ng planta, maaaring magkaroon uli ng power rate hike.

Matatandaang pinilit ng Department of Energy na kailangang mangontrata para sa ancillary services ng NGCP para may reserbang kuryente sakaling kapusan.

Pero ipapasa lang umano ng NGCP sa mga konsumer ang dagdag-gastos.

"May malaking posibilidad na kapag fully implemented na ang ancillary contracts na may pagtaas sa presyo ng kuryente," sabi ni NGCP Spokesperson Cynthia Alabanza.

Ngayong Agosto ang ika-5 sunod na buwang nagkaroon ng dagdag-singil sa kuryente ang Meralco.

Kaya naman umapela si Sen. Risa Hontiveros sa Energy Regulatory Commission (ERC) na huwag na munang ipatupad ang pinakabagong dagdag-singil ng Meralco.

Ito'y habang hindi pa naipapaliwanag ang pagsipa ng presyo at rotational blackout noong mga nakaraang buwan.

Hiningan ng ABS-CBN News ng pahayag ang ERC pero wala pang sagot ang ahensiya.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

 RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.