Inanunsiyo ng Department of Health na P26 hanggang P50 ang magiging suggested retail price ng kada piraso ng face shield, na requirement o kailangan nang suotin sa mga pampublikong sasakyan simula Agosto 15.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, may range ang SRP dahil iba-iba ang mga materyales na ginagamit sa paggawa nito.
Nag-ikot ngayong Miyerkoles sa Bambang, Maynila si Castelo at iba pang taga-Department of Trade and Industry para silipin ang bentahan ng face shield.
Nasa P30 hanggang P75 ang benta sa mga face shield sa Bambang.
Isang tindahan ang nasita ni Castelo dahil sa pagbebenta umano ng face shield sa halagang P120 kada piraso.
Ayon kay Castelo, kahit wala ang SRP, puwedeng ireklamo ang mga nagtitinda nang sobrang mahal na face shield.
Inaasahan naman ng mga nagtitinda ng face shield na tataas pa ang presyo ng protective gear sa mga susunod na araw.
Kailangan nang magsuot ng mga pasahero simula Agosto 15 ng face shield para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, Department of Health, DOH, face shield, Department of Trade and Industry, suggested retail price, Bambang, Maynila