Meralco may bawas-singil muli sa Agosto

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2020 03:01 PM | Updated as of Aug 10 2020 08:58 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — May bawas sa singil sa kuryente ang Meralco para sa buwan ng Agosto, ayon sa power distributor nitong Lunes.

Bababa ang singil sa kuryente nang P0.2055 kada kilowatt hour (kWh). 

Kaya't halimbawa, kung ang konsumo ay 200 kWh, nasa P41 ang magiging tapyas-singil sa bill.

Ito na ang ika-4 na magkakasunod na buwan na may bawas sa singil sa kuryente ang Meralco.

Nagmura raw kasi ang halaga ng kuryente sa spot market at lumakas ang piso kontra dolyar, dagdag ng Meralco.


—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.