PatrolPH

Presyo ng petrolyo may rollback sa Agosto 10

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2021 12:27 PM | Updated as of Aug 09 2021 06:38 PM

(UPDATE) Magkakaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Agosto 10, sabi ng mga kompanya ng langis.

Ayon sa Shell, Cleanfuel, Petro Gazz, Caltex, Seaoil, PTT Philippines, Total, Petron, Phoenix Petroleum at Flying V, P0.70 ang kanilang itatapyas sa presyo ng kada litro ng diesel habang P0.65 naman sa kada litro ng gasolina.

Magpapatupad din umano ang Shell, Caltex, Seaoil, Petron at Flying V ng P0.75 na bawas sa presyo ng kada litro ng kanilang kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na mag-a-adjust alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na magbabago alas-8:01 ng umaga.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.