PatrolPH

Presyo ng petrolyo may bawas sa Agosto 9

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2022 01:47 PM | Updated as of Aug 08 2022 07:03 PM

Gasolinahan sa Mandaluyong City noong Marso 22, 2022. George Calvelo, ABS-CBN News/File
Gasolinahan sa Mandaluyong City noong Marso 22, 2022. George Calvelo, ABS-CBN News/File

(UPDATE) May nakakasang panibagong round ng bawas sa presyo ng petrolyo, epektibo sa Martes, Agosto 9.

Base sa abiso ng mga kompanya ng langis, narito ang halaga ng ipatutupad na tapyas:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA -P2.10/L
DIESEL -P2.20/L
KEROSENE -P2.55/L

Shell, Seaoil, Petron, Flying V (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P2.10/L
DIESEL -P2.20/L
KEROSENE -P2.55/L

Petro Gazz, PTT Philippines, Jetti Petroleum, Unioil, Phoenix Petroleum (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P2.10/L
DIESEL -P2.20/L

Cleanfuel (Alas-8:01 ng umaga)
GASOLINA -P2.10/L
DIESEL -P2.20/L

Ang bawas-presyo ay bunsod ng paghina ng demand dahil sa pangamba sa recession o pagbagsak ng ekonomiya sa buong mundo, at lockdown sa China dala ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Mula Hulyo 5, P15.75 na ang kabuuang halaga ng nabawas sa presyo ng kada litro ng diesel habang P14.55 naman sa gasolina at P14.80 sa kerosene.

Sa taya ng ilang analyst, mananatiling lugmok ang demand o konsumo sa langis ng mundo sa mga susunod na linggo.

"Kung patuloy ang ganyang sitwasyon, may posibilidad talaga na magpatuloy ang rollback but nandoon pa rin ang threat ng supply disruption o kakulangan ng supply," ani Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero.

Dahil sa serye ng rollback, maglalaro na lang sa P64 hanggang P83 ang gasolina habang wala nang P80 ang litro ng diesel sa Metro Manila simula Martes.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.